Pinaka-epic na Hearts’ Day.
Sa dinami-dami ng pwedeng kong itapon sa basurahan yung assignment ko pa talaga.
Grabe ang treasure hunt ko kanina sa room hanggang dumating na ang teacher namin at napansin akong parang may nawawala sakin. Yun assignment ko. Alam niyang hindi ako yung klaseng estudyante na hindi nagpapasa ng homeworks pero hinayaan niya akong maghanap.
Andon, habang nagdidiscuss pinahanap niya sa akin yung ginawa ko. Nung wala pa siya sigaw ako ng sigaw, “Please kung sino man yung kumopya or nagjojoke jan, please ibalik niyo na sa akin. Ang hirap kaya sumagot ng find x lalo na na-valetine ngayon.”
Palibot-libot akong parang sira-ulo. Yan kasi kanta ng kanta yan tuloy nakalimutan. Tapos nong tinapon ko na yung scratch papers ko parang napansin ako sa basurahan, parang maraming nakasulat na numbers and find x. Kinuha ko (Hindi naman siya madumi since nasa taas siya.).
Yes, tumakbo ako ng papuntang classroom.
“Maam, nakita ko na. Nasa basurahan. Medyo kunot nga lang.”
“Pano napunta don?”
“Naalala ko nga pala na tinapon ko yung gloves kong ginamit sa Bio tapos akala ko scratch paper yung tinapon ko.”
“Yuck, diba hinawakan mo yung frog?”
“As if naman hinawakan ko gamit ang mga kamay ko? Tapos hindi kaya ako humawag tagapagsulat lang ako ng observations.”Tawa sila ng tawa. Perhaps pinaka-epic na Hearts Day ko ever. Sige tawanan kayo, malay niyo baka ako ma-perfect sa assignment ko na yun. HAHAHA.











